Namatay ang isang babaeng tatlong-taong-gulang matapos siyang saksakin ng sarili niyang ama sa Inopacan, Leyte. Ang suspek, nagsaksak din sa sarili.

Sa ulat ng GTV "State of the Nation" nitong Miyerkules, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na may problema sa pamilya ang suspek.

Nais na rin umano ng kinakasama ng suspek na makipaghiwalay sa kaniya. Nang mangyari ang krimen, nasa ibang bahay ang ina ng bata.

Lasing umano ang ama nang saksakin nito sa leeg ang kaniyang anak sa loob ng kanilang bahay.

Matapos nito, ang sarili naman niya ang kaniyang pinagsasakak.

Pareho silang dead on arrival nang dalhin sa ospital.-- FRJ, GMA Integrated News