Bumulaga ang dalawang bangkay na magkahiwalay na nakasilid sa dalawang drum na nakita sa ilog ng Labo, Camarines Norte.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing ang mga residente na nangingisda sa lugar ang nakakita sa mga drum na inireport nila sa pulisya.

Nang suriin ang drum, bumulaga ang ulo ang isa sa mga biktima at nakasemento ang katawan ng mga ito sa loob ng mga drum.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima at mga nasa likod ng krimen.-- FRJ, GMA Integrated News