Isang pawikan ang aksidenteng nalambat ng mga mangingisda sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Ito ay isang green sea turtle na endangered na, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Malusog ang pawikan at walang sugat.

Matapos madokumento ay ibinalik ito ng mga awtoridad sa dagat. —KG, GMA Integrated News