Isang 11-anyos na batang babae ang sinaktan at ipinasok pa umano sa kulungan ng baboy ng kaniyang ina at mga tiyuhin nang hindi niya masunod ang utos nito sa Talisay, Negros Occidental.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Western Visayas, na iniulat din ni Jhomer Apresto sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing nagawang makatakas ng bata at humingi ng saklolo sa isang mag-asawang residente sa lugar matapos ang naranasang pagmamaltrato umano.

Napag-alaman ng pulisya na nag-umpisang saktan ang bata noong anim na taong gulang pa lamang siya.

Dinakip na ang nanay ng bata at ang tatlo niyang tiyuhin, na hindi nagbigay ng pahayag. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News