Patay ang isang lalaking magsasaka nang saksakin siya ng kapitbahay na magsasaka rin matapos maungkat ang dati na nilang alitan sa Ronda, Cebu.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing nag-away noon dahil sa pananim ang biktima at ang suspek, bagaman nagkasundo ang dalawa.
Ngunit gabi ng Miyerkoles nang muling mapag-usapan ang nakaraan nilang alitan habang nagiinuman, ayon sa pulisya.
Nauwi ito sa pananaksak na ikinasawi ng biktima.
Naaresto ang suspek na mahaharap sa kasong murder ang suspek, na hindi nagbigay ng pahayag. — Jamil Santos/BAP, GMA Integrated News
