Dalawang naaagnas na bangkay ng lalaki na nakatali ang mga kamay ang natagpuan sa isang liblib na lugar sa San Mateo, Rizal.Sa ulat ni EJ Gomez sa GMA News Unang Balita nitong Lunes, sinabing nakita ang mga bangkay noong Biyernes ng hapon sa bahagi ng Barangay Silangan.Dalawa menor de edad na naliligo sa sapat na malapit sa lugar ang nakakita sa mga bangkay matapos nilang hanapin ang pinagmumulan ng masangsang na amoy.Ang mga menor de edad na rin ang nag-report sa mga barangay tungkol sa kanilang nakita.Sa imbestigasyon ng pulisya, pinatay sa pamamagitan ng pagbaril ang mga biktima, na napag-alamang residente ng Barangay Cupang sa Antipolo.Batay umano sa impormasyon mula sa mga kaanak ng dalawang biktima, sinabi ng pulisya na may nais na makipagkita sa dalawa bago sila pinaslang.Itinuturing persons of interest ng pulisya ang mga naturang nais makipagkita sa mga biktima.Hinihinala rin ng pulisya na may kaugnayan sa ilegal na droga ang nangyaring krimen. --FRJ, GMA Integrated News