Isang lalaking nagse-cellphone habang tumatawid sa kalsada ang nahuli-cam na nabundol ng motorsiklo sa Pavia, Iloilo.Sa ulat ng GMA Regional TV, na iniulat din sa GMA News Unang Balita nitong Martes, mapanonood ang lalaki na tumatawid mula sa kabilang bahagi ng kalsada sa Barangay Jibao-an.Ngunit ang lalaki, nakatingin lang sa kaniyang cellphone at wala rin sa pedestrian lane.Ilang saglit lang, dumating ang isang motorsiklo at nasalpok siya.Nagtamo ng mga sugat ang rider at ang lalaking tumawid, na parehong dinala sa ospital.Sinabi ng mga awtoridad na nakatakdang mag-usap ang dalawa para mag-areglo.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News