Nasawi ang limang sakay ng isang dump truck, kabilang ang dalawang menor de edad, matapos itong tumagilid sa Kabayan, Benguet.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Biyernes, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nanggaling sa Bauko, Mountain Province ang mga sakay ng dump truck at patungo sana ng Bambang, Nueva Vizcaya para sa isang okasyon.

Pagkarating sa pakurbadang parte ng Barangay Poblacion, doon na tumagilid umano ang truck.

Kasama sa mga nasawi ang dalawang menor de edad.

Mahigit 30 ang sakay ng truck, kung saan marami ang sugatan kabilang ang driver.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.-- Jamil Santos/FRJ GMA News