Nasawi ang isang 67-anyos na pahinante matapos sumalpok ang sinasakyan niyang truck sa concrete barrier sa Baguio City. Ang driver at isa pang pahinante, sugatan.

Batay sa impormasyon ng GMA Regional TV, na iniulat sa Balitanghali nitong Biyernes, nawalan ng preno ang truck na may dalang mga punla ng halaman sa Asin Road.

Hindi naging madali ang pagsagip sa driver at dalawa niyang pahinante matapos maipit sa sasakyan.

Nagpapagaling ngayon sa ospital ang dalawa, at hindi pa sila nagbibigay ng pahayag. – Jamil Santos/FRJ GMA News