Laking gulat ng isang lolo na nangangalakal ng basura sa Bohol nang tuparin ng isang Amerikano na nakita niya sa kalye ang pangako nitong babalikan siya.  Nang muli kasi silang magkita, binigyan siya nito ng P20,000 nang walang hinihinging kapalit at nagmano pa sa kaniya.

Tunghayan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" at kilalanin ang Amerikanong si Byan, na nakapag-asawa ng Pinay at piniling dito na sa Pilipinas manirahan.

Mabilis na kumalat ang balita tungkol kay Byan dahil sa kaniyang pag-iikot doon at pamimigay ng pera sa mga kapus-palad sa mga nakikita niya sa kalye. At isa nga sa mga masuwerte ay ang matandang nangangalakal ng basura. Bakit nga ba niya ginagawang mag-ala- Santa Clause? Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News