Sa reptile kingdom, tanging ang mga dambuhala ang napapansin tulad ng mga buwaya. Pero mayroon din mga munting nilalang na tila mga maliliit na dragon na makikita sa lalawigan ng Laguna.

Ang "Born To Be Wild," hinanap ang munting "spiny waterside skink," na tinatawag na miniature crocodile dahil sa malaking pagkakahawig nila--maliban lang sa sukat.

Sa Pilipinas lang makikita ang spiny waterside skink. Pero mayroon ding isang uri ng reptile na mabilis na dumadami sa Laguna na galing sa ibang bansa--oriental garden lizard.

Panoorin ang video ng "Born To Be Wild" at kilalanin ang mga little dragon na may kakaibang gandang taglay, at may silbi rin sila sa kalikasan.

--FRJ, GMA News