Laugh trip ang nangyari sa segment na "Cash Landing On You" nang maihagis ni Maine Mendoza ang mikropono sa live airing ng "Eat Bulaga" kamakailan.

Ipinost ng Eat Bulaga sa Instagram ang video ng funny blooper ni Maine na nangyari noong September 9.

Celebrity contestant via online sa naturang segment ng "Cash Landing On You" si Jeffrey Santos, na nasa kaniyang bahay. Nasa studio naman si Maine kasama si Jose Manalo, Paolo Ballesteros, at MJ Lastimosa.

May lobo na kailangang munang ihagis si Maine at dapat pumutok para malaman kung magkano ang premyo na puwedeng mapanalunan ni Jeffrey.

Pero bago ito gawin ni Maine, todo-bigay muna siya sa pagsayaw ng TikTok trending dance challenge na "Let's Groove."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979)

 

At nang ihagis ni Maine ang lobo, nawala sa isip niya na may hawak siyang mic na kasama niyang naihagis.

“Sorry nadala ako. Pati mic nahagis ko," natatawang [at] nahihiyang sabi ni Maine. “Pasensiya na po."

Tawanan din ang mga dabarkads at biniro ni Jose si Maine ng salary deduction.--FRJ, GMA News