Isang bagong species ng pusa ang natuklasan sa Bolivia matapos ang mahigit 100 taon, na bingiyan ng scientific name na “Leopardus tilcayo.”
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Biyernes, sinabing dati itong binansagang “weird cat.”
Nagmula ang Tilcayo cat sa Yungas Eco Region, na unang nakita noong 2016 sa tabi ng isang gubat at inihabilin noong 2019 sa Wildlife Sanctuary dahil sa pagiging “weird” o kakaiba nito.
Pinag-aralan ng isang biologist at explorer mula sa National Geographic ang ang pusa.
Matapos na ikumpara sa genome ng 38 pusa, natuklasan na isa bagong species.
Iba ang anyo ng Tilcayo cat, na maliit kumpara sa pusa na pambahay, may mahahabang whiskers at may spots na parang sa leopard.
Patuloy ang pag-aaral sa biology ng Tilcayo cat at ang paraan ng kaniyang pumumuhay. – Jamil Santos/FRJ GMA News
