Nagbigay ng kaniyang saloobin ang aktor na si Dennis Trillo kaugnay sa naging mga pahayag ni Patrick Garcia sa isang panayam tungkol sa naging relasyon nila noon ni Jennylyn Mercado na humantong sa hiwalayan. Si Jennylyn, asawa na ngayon ni Dennis.

"Hindi ako pabor sa bashing, pero salamat at naalala mo si Jazz dahil sa pag bash sa anak mo," pagsisimula ni Dennis sa kaniyang social media post.

"Spread love, not hate," pagpapatuloy pa ng aktor.

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Patrick sa vlog nito, sinabi ng aktor na naba-bash ang kaniyang anak nang dahil sa kaniya.

“Actually, one day, my daughter went up to me and said, ‘Daddy, I'm sad.’ ‘Why?’ ‘Because every time there's good news about me in the comments section, it's all bashing.

And they're bashing me because of you,’” pag-alala ng aktor sa sinabi sa kaniya ng anak.

“Sabi ko sa kaniya, ‘I'm sorry. I'm sorry that this is happening.’ Sabi niya, ‘Daddy, why don't you tell your story? What really happened between you and your past?’ Sabi ko sa kaniya, ‘Yeah, I can tell my story but I cannot promise you na the bashing will stop or could lessen or it could worsen.’ Sabi niya sa akin, ‘Daddy, it's okay as long as they know the truth.’”

Isinilang ni Jennylyn ang anak nila ni Patrick na si Jazz noong 2008.

Ikinasal si Patrick kay Nikka Martinez noong 2015.

Samantala, ikinasal si Jennylyn kay Dennis Trillo noong 2021. Mayroon silang anak na babae na nagngangalang Dylan.

--Jamil Santos/FRJ GMA News