Ngayong may pandemic, online class ang naging paraan ng ilang eskwelahan para patuloy na makapagklase. Ang problema, may ilang online predator na nagawang makisali at magpakita pa ng kalaswaan sa mga estudyante.

Ayon sa isa sa mga grade 9 student sa na-highjack na online class nitong nakaraang Martes, nagpakita raw ng malalaswang video ang mga online predators.

Nasa kalagitnaan na daw sila ng leksiyon nang magtanong ang kanilang guro kung bakit may sumasali pa sa kanilang klase.

Dahil inakalang "transferee" student ang humabol, inaccept ito nang guro at nangyari na ang hindi nila inaasahan.

Paano nga ba magagawang ligtas ang online classes mula sa mga online predator? Mga guro, magulang at estudyante, panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

--FRJ, GMA News