Sinubukan ni Donita Rose na i-prank para sa "The Boobay and Tekla Show" ang dating katrabaho niya sa "Wowowin" na si Ariella Arida, na all-time crush ni Tekla.

Ang prank, tatawagan ni Donita at kunwaring kukunin niya si Ariella para sa vlog entry na "girlfriend challenge" kung saan magiging nobya siya ni Tekla sa loob ng 24 oras at may eksenang magsa-shower pa silang dalawa.

Pumayag kaya si Ariella o may masasabi siyang hindi maganda tungkol kay Tekla. Panoorin ang nakatutuwang video.

--FRJ, GMA News