Ikinasal na si Ina Feleo sa Italian partner niyang si James Gerva.

Sa Instagram ng best friend ni Ina na si Rommel Dela Cruz, makikita ang mga snapshot sa intimate wedding ng aktres sa Pinto Art Museum sa Antipolo.

 

Makikita rin sa Instagram stories ni Ina ang ilan sa mga eksena ng kanilang intimate wedding ni James, na dinaluhan ng mga piling kamag-anak at kaibigan.

Present ang kaniyang inang si Direk Laurice Guillen, na sinamahan siyang maglakad sa aisle.

Inanunsyo ni Ina na engaged na siya kay James Hulyo noong nakaraang taon. —LBG, GMA News