Dahil may mga taong natatawagan ang "Wowowin-Tutok To Win" na mayroon sakit o kaanak na nagpapagamot, ibinalita ni Kuya Wil na handang makipagtulungan ang Malasakit Center ng gobyerno para makatulong din sa mga nangangailangan.

Aminado si Kuya Wil na kung minsan ay hindi sapat ang perang ibinibigay niya sa mga natatawagan ng kaniyang programa para makapagpagamot  tulad ng mga nagpapa-dialysis, kailangan ng chemotherapy at iba pang malubhang karamdaman.

Kaya naman ikinatuwa niya nang malaman na mayroon programa ang pamahalaan na Malasakit Center na kahalintulad ng PhilHealth na puwedeng umayada sa pagpapagamot ng mga mahihirap. Alamin sa video ang detalye ng magandang balita ni Kuya Wil. Panoorin.

--FRJ, GMA News