Matapos maging special guest kamakailan sa "Wowowin-Tutok To Win," nagpadala ng munting regalo bilang pasasalamat si Senator Manny Pacquiao para kay Kuya Wil. Ano kaya ito? Panoorin.

Sa naturang guesting ni Pacquiao, sandaling humalili ang senador bilang host ng programa at dinagdagan ang premyong ibinibigay sa mga natatawagan.

Ikinuwento rin ng senador ang kaniyang naging pangitain sa kalalabasan ng laban nila noon ni Juan Manuel Marquez kung saan napabagsak siya ng Mexicanong boksingero.


--FRJ, GMA News