Sa kaniyang Instagram posts, ipinasilip ni Megastar Sharon Cuneta ang ipinapagawa niyang dream house.

Sa kaniyang caption, sinabi ng actress-singer na tinatayang nasa 2,300 sqm ang total floor area nito.

 

 

Mayroon itong basement parking at swimming pool.

May tinatawag ding “family house wing,” na sasakop sa kahati ng buong bahay.

Nasa plano rin ang pagkakaroon niya ng kaniyang “own wing.”

“Yes I will have my own half of the home for my books, clothes, studio for vlogs, maybe a small recording studio, dressing room, etc. - my ‘She-Cave’,” ayon kay Sharon.

“So inuna muna 'yung main house naming pamilya,” patuloy niya.

 

 

Inihayag ni Sharon ang kasabikan na matapos na ang bahay para matirhan na nila ng kaniyang pamilya.--FRJ, GMA News