Isang lalaki sa Isabela ang hindi lang tinik ang naging problema sa lalamunan kung hindi isang buong buhay na isda na kaniyang aksidenteng nalunok. Makaligtas kaya siya?

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" nitong Linggo, sinabi ni Nicanor na madalas siyang kumuha ng buhay na isdang gurame sa isang palaisdaan sa Sto. Tomas sa Isabela.

Ang nahuhuling isda, iniwan niya sa baldeng may tubig. Kinagabihan bago iprito ang mga isda, kinakagat niya ang ulo ng isda para matiyak na patay na ito.

Pero ang isang isda, nagtuloy-tuloy sa kaniyang lalamunan at bumura.

Doon na raw nahirapang humingi si Nicanor at may lumalabas na ring dugo sa kaniyang bibig at ilong.

Kaya naman naisipan na ng kaniyang mga kaanak na dalhin na siya sa ospital.

Nang isailalim sa X-ray si Nicanor, nakita ang isdang nakabara sa kaniyang lalamunan.

Matanggal pa kaya ang isda sa kaniyang lalamunan at makaligtas kaya si Nicanor?

Tunghayan ang buong episode sa video na ito ng "KMJS" at alamin din ang sinabit ng isang mangingisda sa Sablayan, Occidental Mindoro na natusok sa dibdib ng malaki at mapanganib na sword fish. --FRJ, GMA News