Ipinakita sa programang "Mars Pa More" ang naging transformation ng pangangatawan ng Kapuso actor na si Paul Salas.

Mula sa pagiging chubby, naging payat, hanggang sa naging hunk ang porma ng katawan ni Paul kaya naman bumilib sa kaniya ang mga host na sina Iya Villania at Camille Prats.

Kuwento ni Paul, 2017 nang magsimula siyang mag-workout.

Sinabi pa ang aktor na naisipan niyang magbawas na ng timbang noong naging chubby na siya.

At nang makita ang magandang resulta ng katawan, ipinagpatuloy na niya ang passion sa pagwo-work.

Gayunman, inamin ni Paul na nagsimula siyang maging conscious sa pangangatawan nang maging broken hearted siya.

"Siguro nung naging broken hearted ako naging concuios na ko," natatawang sabi ni Paul. "Kapit lang sabi nga." --FRJ, GMA News