Kahit may pandemic, nagawa pa rin ni Bossing Vic Sotto na "makasama" ang kaniyang mga anak via Zoom call upang ipagdiwang ang kaniyang pangalawang "quarantine" birthday.

Sa Instagram account ng anak ni Vic na si Pasig City Mayor Vico Sotto, ipinost ng alkalde ang screenshot ng kaniyang Zoom meeting kasama ang ama at mga kapatid.

"Happy 2nd quarantine birthday, Papa! Sana next birthday mo, puwede na tayong magkita-kita," ani Vico sa caption.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Vico Sotto (@vicosotto)

 

Dumalo sa virtual gathering sina Danica Pingris, asawa nitong si Marc Pingris, at mga anak; gayundin mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa, at mga anak; at sina Paulina Sotto at mister na si Jed Llanes, kasama ang kanilang baby.

Kasama naman ni Vic ang asawang si Pauline Luna at anak nilang si Tali.

Nagpasalamat naman si Pauline sa mga anak ni Vic dahil napasaya nila si Bossing.

"He also had the chance to be with the kids today. Kahit via zoom lang, nagkaiyakan pa. Thank you for making Vic happy!" saad ni Pauline na naka-tag ang mga anak ni Vic.— FRJ, GMA News