Ipinakita ni Neri Naig ang sneak peek ng ipinapatayo nilang "Miranda's Farm House" sa Alfonso, Cavite. Kasabay nito, sinagot din niya ang isang netizen na nagtanong kung siya na ang "bumubuhay" sa asawang si Chito Miranda.

Sa Instagram, ibinahagi ni Neri ang 3D design ng farm house kapag natapos na ito.

"We decided na tumira na talaga sa farm dito pa rin syempre sa Alfonso. Mas magiging healthy living talaga dahil magiging malaki na ang taniman ko ng mga gulay at dito ko na rin kukunin mga vegetables na gagamitin ko sa pagtutuyo ko," pagbahagi niya sa post.

"Mag-aalaga kami ng mga manok para everyday may fresh eggs kami. Hindi ko alam kung kaya pang mag alaga ng baka para may fresh milk, ayun kase request ni Miggy at pig daw. Nasarapan sa lechon," patuloy ni Neri.

Sinabi rin ni Neri na makakasama nila sa bahay ang kaniyang ina, at may nakahanda ring kuwarto para sa mga magulang ni Chito.

"Dito rin titira nanay ko, lagyan namin sya ng room nya na diretso na sa garden. Mas hahaba ang buhay ng nanay ko kapag nagtatanim at napapaligiran ng halaman. At least pwede syang mag ikot ikot sa farm na di kami matatakot kung mahahawa ba sya ng virus," kuwento ng aktres.

"Maglalagay din kami ng isa pang room para sa in laws ko naman kapag magbakasyon sila. Maganda rin na lalaki si Miggy na napapaligiran ng mga lola at lolo," dagdag pa niya.

 

 

"Kaya kayod ng kayod laaaaang. Napapagod, magpapahinga lang, pero NEVER susuko. Para sa pamilya, go lang! Ayan ang greatest motivation ko, ang pamilya ko. Masarap mangarap at unti unting tinutupad kasama ang ating pamilya," dagdag pa niya.

Sa comments section, isang netizen ang nagtanong: "Ikaw na po bumubuhay kay chito? Or share kayo sa pagawa ng bahay? Lagi kasing ako or ko ang nasa post mo."

Paliwanag naman dito ni Neri.

"[M]ay kanya kanya kaming investments. May kanya kanya kaming pera pero sya ang nagbibigay ng monthly allowance para sa bahay. Kahit wala sya masyadong gigs, ang dami naman nyang investments katulad ng mga paupahan. May mga townhouse at condos syang pinapaupahan, dun palang solb na kami. Kay Chito ako natutong humawak ng pera."

Pabiro rin sumagot sa tanong ni Chito.

"oo din...kasi kung wala si Neri matagal na akong patay," sabi ng Parokya ni Edgar lead singer. --FRJ, GMA News