Para makalma ang pakiramdam, bumirit sa pagkanta ang isang lalaki na walong taong gulang habang tinutuli sa Sulop, Davao del Sur.

Sa ulat ng GTV "State of the Nation" nitong Huwebes, sinabi ng tiyahin ng bata na hindi naman natatakot ang kaniyang pamangkin na magpatuli.

Pero sinabihan daw ng duktor at nurse ang bata na kumanta na lang na kaniya namang ginawa.

Dahil mahilig daw kumanta ang bata, itinuloy lang niya ang pagkanta hanggang sa matapos ang pagtuli sa kaniya.

Bukod sa kaniyang tapang sa pagpapatuli, hinangaan din ng mga tao ang kaniyang talento sa pagkanta.--FRJ, GMA News