Ikinasal na ang Pop star na si Ariana Grande sa kaniyang real estate agent boyfriend sa California, limang buwan matapos silang maging engaged.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes, naging intimate ang wedding ceremony nina Ariana, 27, at Dalton Gomez, 25.

Nagsimulang mag-date ang dalawa noong Enero 2020.

Bihirang magsalita si Ariana sa kanilang relasyon pero nagpo-post siya paminsan-minsan ng sweet massages at photos sa Instagram.

Ayon sa kinatawan ni Ariana, wala pang 20 katao ang nasa kuwarto kung saan idinaos ang seremonya na dinaluhan ng pamilya ng mga ikinasal.

Sinabi naman ng Celebrity website TMZ na ginanap ang kasal sa bahay nina Ariana sa Montecito, Southern California.--FRJ, GMA News