Sa programang "Tunay Na Buhay," inilahad ni Allan K. kung ano nga ba ang kahulugan ng "K" sa kaniyang pangalan na gamit niya bilang screen name.

Ayon kay Allan, ang tunay niyang apelyido ay Quilantang na kung minsan ay pinapaigsi ng kaniyang mga kaibigan na beki at nagiging tunog "Key."

Nagustuhan daw niya ang tunog at kinalaunan ay ginamit na niyang stage name bilang Allan K nang maging stand-up comedian siya.

Ang mga netizen, may kani-kanilang rin witty na hula kung ano ang "K" sa Allan K.


Samantala, ipinakita rin ni Allan sa "Tunay na Buhay" ang husay niya sa pag-drawing nang gawan niya ng sketch ang host ng programa na si Pia Arcangel. Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News