Mega-milyonaryo ang isang mananaya sa lotto nang solo niyang tamaan ang mahigit na P181-milyong jackpot prize sa Mega lotto 6/45 draw nitong Miyerkules, Mayo 26, 2021.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na isang mananaya lang ang nakakuha ng winning combination sa naturang draw na 23-43-29-32-36-04.     

Umaabot ang premyo nito sa halagang  P181,680,185.60.

Samantala, wala namang nanalo sa isang lotto draw na 6/55 na may winning combination  na 22-31-49-54-02-37, at mahigit P29,700,000.00 ang premyo.

Nitong Martes, iniulat na isang messenger ang isa sa dalawang mananaya na tumama ng mahigit P55 milyon sa Ultra Lotto 6/58 draw noong Marso.

Nabili ng masuwerteng mananaya ang kaniyang winning ticket sa Las Piñas City. -- FRJ, GMA News