“Married in our living room.”

Ito ang caption sa ipinost na larawan sa Instagram ng aktres na si Bianca King tungkol sa naging kasal ni Ralph Wintle sa Sydney, Australia.

 

 

Umani ng mga pagbati mula sa mga kapwa celebrity ang dalawa kabilang na si Iza Calzado na nagsabing, "Welcome to the family.

Si Ralph ay kapatid ng asawa ni Iza na si Ben Wintle.

Gayunman wala nang iba pang detalye na ibinigay si Bianca tungkol sa kanilang kasal.

Ilan pa sa mga celebrity na bumati sa bagong kasal ay sina  Iya Villania, Maxene Magalona, Mariel Padilla, Michelle Madrigal at Chesca Kramer.

Noong nakaraang taon, ibinahagi ni Bianca sa programang "Mars Pa More" ang kaniyang buhay sa Autralia.

--FRJ, GMA News