Sa "Unang Hirit" nitong Miyerkoles, ipinakilala ni Andrea Torres kung "sino" ang nagpapasaya sa kaniya ngayon--si Andeng.

Kuwento ni Andrea, 10 taon na niyang alaga si Andeng na isang Siamese cat.

Dahil malaki, madalas daw na napagkakamalang aso ang kaniyang pusa.

"Noong una siyang ibinigay sa akin, akala namin girl, yun pala lalaki," sabi ng aktres. "Nakakatawa po kasi 'pag dinadala ko siya sa vet lagi siyang napagkakamalang aso kasi ang laki-laki niya."

Ayon pa sa aktres, madali namang pakisamahan si Andeng na kauna-unahan niyang pet at trinato niyang parang tunay na baby.

At kahit sampung taon gulang na si Andeng, sinabi ni Andrea na hindi nagbago ang ugali ng alaga na ubod pa rin nang lambing.

Kung dati ay mahilig daw maglaro si Andeng noong bata pa, ngayon ay magtulog na lang ang lagi nitong ginagawa.

Pero bukod kay Andeng, sino pa nga ba ang nagpapasaya ngayon kay Andrea. Alamin ang naging sagot ng aktres sa video.--Jamil Santos/FRJ, GMA News