Napapalakpak sa sobrang bilib si Pia Arcangel ng "Tunay Na Buhay" nang magpamalas ng kaniyang husay sa magic ang komedyanteng si Bearwin Meily.

Bago nagpahinga sa showbiz, nagkaroon pa noon ng magic show sa GMA si Bearwin na pinamagatang "Naks!."

Kaya naman nang makapanayam ng "Tunay Na Buhay," hindi pinalampas ni Pia na magpakita ng husay sa close-up magic tricks si Bearwin.

Sa unang magic tricks, pinapili ni Bearwin si Pia ng isang baraha.

Hindi nakita ni Bearwin ang napiling card ni Pia na 2 of hearts, na inilapit ng host sa kaniyang dibdib para itago.

Pero nang ibaba ni Bearwin ang lahat ng baraha, nahulaan ng komedyante ang hawak na baraha ni Pia.

Sa magic trick no. 2 ni Bearwin, ipinakita ng komedyante ang card na 10 of spades na nasa ibabaw ng mga baraha.

Kinuha niya ang card habang nasa harap niya si Pia at nakatutok ang camera.

Pero matapos nito, ang card, biglang naging 2 of hearts na ikinamangha lalo ni Pia.

Paano nga ba ito nagawa ni Bearwin? Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News