Tila namana ni Ysabel Ortega ang pagiging action star ng kaniyang amang si Senador Lito Lapid nang ipakita niya ang husay sa stunt sa training video para sa "Voltes V: Legacy."

Sa kaniyang Instagram, makikita ang solid martial arts skills ni Ysabel na nasa walong kalaban na sunod-sunod niyang pinatumba.

 

 

Kinabibilangan ito ng mga suntok, spinning kick, salag, at pagbali na talaga namang magpapa-knockout sa mga kalaban.

Nagpasiklab pa si Ysabel nang patumbahin niya ang isang kalaban ala-Black Widow style.

"Giving my 100% for this role. No mercy," caption ni Ysabel, na anak nina Sen. Lito Lapid at Michelle Ortega.

Gaganap si Ysabel bilang si Jamie Robinson sa “Voltes V: Legacy.”

Makakasama niya rin sina Miguel Tanfelix bilang si Steve Armstrong; Radson Flores bilang si Mark Gordon; Matt Lozano bilang si “Big Bert” Armstrong; at Raphael Landicho bilang si “Little Jon” Armstrong. --FRJ, GMA News