Inihayag ni Bea Alonzo na pangarap niyang ma-interview siya ng GMA News Pillar na si Jessica Soho, at matutupad na ito dahil mapapanood siya sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" sa Linggo.

"Meron akong interview na mangyayari sa farm sa Zambales with Ms. Jessica Soho," pag-anunsyo ni Bea sa Instagram live ng GMA Network, na mapapanood sa Star Bites ng Balitanghali nitong Biyernes.

"Actually dream of mine din na ma-interview niya, and magko-collab din kami sa vlog so watch out for that," dagdag na anunsyo pa ni Bea.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

 

Kuwento pa ng bagong Kapuso actress, pati ang kapatid niya ay naghahanda na rin na makapagpa-picture kay Jessica dahil nanonood daw ito ng programa ng broadcast journalist.

Bago sumabak sa trabaho, sinabi rin ni Bea na may quick trip muna siya sa Amerika para makapag-recharge at re-energize.

Looking forward siya na makatrabahong muli ang dati niyang ka-love team na si John Lloyd Cruz, na may upcoming sitcom sa Kapuso Network.

Matapos ang pagpirma sa GMA Network bilang bagong Kapuso, ibinahagi ni Bea sa kaniyang vlog ang kaniyang ginawang preparations.

Pinasalamatan din ni Bea ang dati niyang home network, at supporters.

"I feel more empowered and I feel like, I am ready for change. Ang sabi nga nila we only regret the chances that we did not take," sabi ni Bea sa vlog.


--FRJ, GMA News