Mommy na ang 43-anyos na si Beth Tamayo, matapos isilang ang kaniyang baby girl.

Sa Instagram, ipinost ni Beth ang larawan ng kaniyang anak na may pangalan na Sloane Isabelle Tamayo Hutchinson.

"I know we're late but here she is!" anang dating aktres na nakabase na ngayon sa Amerika kasama ang asawang si Adam Hutchinson.

Ayon kay Beth, napaaga ng tatlong linggo ang paglabas ng kaniyang baby noong Agosto 29.

"Yep, she just can’t wait!" ayon kay Beth.

 

 

Nagpasalamat si Beth sa mga kaanak at kaibigan na, "who have been checking on us daily and praying for/with us. We are so lucky to have you in our lives!"

Special mention din ang doktor na tumulong sa kaniya na si Aimee Eyvazzadeh, "for bringing us here! This would not have been possible if not for all your help and just being the awesome person that you are."

Ngayon taon lang nagpakasal sina Beth at Adam, at nitong Marso ay ibinalita ng dating aktres ang kaniyang pagbubuntis.— FRJ, GMA News