Isa na namang ginang ang masuwerteng nanalo ng P1 milyon sa segment na "Pera o Kahon" ng "Wowowin-Tutok To Win"" ni Willie Revillame.

Tinapatan na ni Kuya Wil ng P250,000 na alok ang kahon na na may letrang "P" pero nanatili ang ginang sa desisyon na magbakasakali sa kahon.

Nang tanungin ni Kuya Wil ang ginang kung bakit kahon na may letter P ang kaniyang napili, sinabi nito na ang naturang letra ang kaniyang nakita nang naghahanap siya ng signal sa cellphone.

Hindi naman siya nagkamali sa desisyon dahil sa naturang kahon nakalagay ang P1 milyon.

Naganap ang episode noong Huwebes, kung saan dalawang caller din ang nanalo ng tig-P1 milyon sa "Pera o Kahon" na ginawa rin sa Shopee 9.9 special, na host muli si Kuya Wil. --FRJ, GMA News

Tags: