Inihayag ni Bea Alonzo ang kaniyang rason kung bakit hindi niya palihim na tinitingnan ang cellphone ng kaniyang ex, kahit may hinala na siyang may ibang babae ito.

"Proud ako diyan. Never akong nag-check ng phone... Never!" sabi ni Bea sa "The Boobay and Tekla Show."

"Hindi ikaw yung klase ng babae na tamang hinala?" tanong ni Boobay kay Bea.

"Hindi. I respect one's privacy. Feeling ko kasi 'yung cellphone parang toothbrush," anang Kapuso actress.

"Tsaka feeling ko, binibigyan mo lang din lalo ng pasakit 'yung sarili mo. Kasi kahit na ano pang gawin mo, kung magloloko, magloloko," paliwanag pa ni Bea.

Sinabi rin ni Bea na hindi siya selosa na klase ng babae, kasabay ng pagbibiro niya sa isa sa kaniyang mga dating nobyo.

"Tsaka mamsh, 'yung totoo, hindi ako selosa. Kahit tanungin niyo 'yung mga... well 'yung isang ex... 'yung ibang exes ko," natatawa niyang sambit.

Masaya ngayon si Bea sa piling ni Dominic Roque na sinabi ng aktres na "husband material." --FRJ, GMA News