May bagong henerasyon ng mga sikat ngayon tulad ng mga online influencer gaya ng online real-life couple na si Jayzam at Camille, na mas kilala ng netizens bilang "JaMill."

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" nitong Linggo, sinabing fan lang noon si Jayzam sa mga cover ni Camille.

Hanggang sa maging magkaibigan sila, na nauwi sa pag-i-ibigan.

Ang content ng kanilang vlog, ang tungkol sa kanilang relasyon, mga prank at challenge.

Pumatok naman ito sa netizens kaya umabot na ngayon sa milyon-milyon ang kanilang followers at subscribers.

Ang dating katuwaan, nagbigay sa kanila ng oportunidad hindi lang para sumikat kung hindi pa rin kumita, at umasenso sa buhay.

Pero inulan ng puna ang desisyon nila kamakailan na magpahinga sa pagba-vlog at kinalaunan ay bumalik din naman.

Kaya naman sa "KMJS," sinagot ng dalawa ang mga kontrobersiyal na tanong sa kanila tulad ng pagiging "cheater" umano ni Jayzom.

Umamin kaya siya si Jayzam at ano ang magiging reaksyon ni Camille?

Ano rin ang reaksiyon nila tungkol sa plano ng Bureau of Internal Revenue na buwisan ang mga influencer na malaki ang kinikita?

Samantala, makakausap din ni Camille at ang kanyang ka-lookalike daw na si “Mareng Camille” ng Tacloban. Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News