Sa ikalawang pagkakataon, si Paolo Contis at hindi si Archie Alemania ang pinili ng "Bubble Gang" babe, na makasama sa isla.

Sa programang "Mars Pa More," tinanong si Valeen Montenegro, kung sino sa "Bubble Gang" boys na sina Paolo at Archie, ang pasasakayin niya ng bangka para umalis ng isla.

"Ang paaalisin ko...si Arhie Alemania," sagot ni Valeen.

Sabi ni Mars host Camille Prats, "So ang gusto mo, paalisin si Archie Alemania, ang maiiwang kasama mo (sa isla) si Paolo Contis?"

Nang tanungin si Valeen kung bakit si Paolo ang nais niyang makasama sa isla, simpleng tugon ng sexy comedianne, "As a friend."

Sa nakaraang episode ng "Mars Pa More," tinanong din ang "Bubble Gang" babe na si Arny Rose, kung sino kina Paolo at Archie ang pipiliin niyang makasama sa isla.

Si Paolo rin ang pinili ni Arny dahil kuya raw niya ang aktor at marami siyang nais itanong dito at marami rin daw siyang matututunan.

Samantala, kasama rin ni Valeen bilang guest sa "Mars Pa More" si Tuesday Vargas, na tinanong naman kung sino ang pipiliin niyang pumasok sa kaniyang bahay: Ang bortang hardinero o bortang pintor?

Alamin sa video kung sino ang pinili ni Tuesday.

--FRJ, GMA News