Inihayag ni Alodia Gosiengfiao na winakasan na nila ni Wil Dasovich ang kanilang relasyon. Kasabay nito, may pakiusap ang vlogger at cosplayer.

Sa Facebook post nitong Linggo, kinumpirma ni Alodia ang paghihiwalay nila ni Wil na isang ring celebrity vlogger.

"To those asking, wala na kami. It's been a while. We tried to work things out many times but some things are not meant to be," saad ng dalaga.

Pakiusap niya sa kanilang supporters, "I hope you respect our privacy during this time in our lives."

Walang pang pahayag si Wil sa paghihiwalay nila ni Alodia.

Pebrero 2018 nang isapubliko nina Alodia at Wil ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng vlog na may titulong "The Truth About My 'Fake Relationship.'"

—FRJ, GMA News