Laugh trip sina "Mars Pa More" hosts Camille Prats at Iya Villania nang ikuwento ni Krissy Achino, impersonator ni Kris Aquino, nang maaresto siya ng mga pulis dahil sa curfew.

Ayon kay Krissy, kamakailan lang nangyari ang insidente nang hindi niya namalayan na sobra na pala sa curfew ang pananatili niya sa isang lugar na pinasok ng mga pulis.

"I didn't notice it was over na sa curfew hours," saad niya at dinala umano sila sa police station.

"Naloko ako talaga. Eh nakaayos akong dress and heels," sabi pa niya. "And it's so 'kiyawti' [mabaho] talaga the station."

"Sabi ko, 'Dito ba napupunta mga taxes ko,'" natatawang sabi ni Krissy.

Sa police station, unang pagkakataon daw na matiketan si Krissy dahil sa curfew na may multang P300.

Biro ni Krissy, naloka siya nang tanungin siya ng pulis kung siya talaga ang nasa ipinakita niyang ID.

"Ang nakakaloka kasi tinanong ng pulis, 'Is this you?' Kasi yung picture ko [sa ID] pam-Bimby," ayon sa komedyante.

--FRJ, GMA News