Kilalang malapit sa isa't isa sina Mikee Quintos at Mikoy Morales. Kaya naman hindi maiwasan na may magtanong kung higit pa ba sa pagiging magkaibigan ang kanilang ugnayan.

Sa programang "Mars Pa More, tinanong si Mikee kung alam niya na mayroong nararamdaman para sa kaniya ang binata na higit pa sa pagiging kaibigan.

"Mikoy and I are really good friends. We're best friends actually," pahayag ni Mikee, na aminadong alam niya na nagkagusto sa kaniya si Mikoy.

"'Yung dumaan na pandemic, kaming dalawa 'yung, sabay kaming naging single. Nasakto 'yung mood namin, 'yung vibe namin. At one point, we both questioned, 'Can this be more?,'" saad ni Mikee.

Pero pareho daw nilang napagtanto na wala pa sa oras na pumasok sila sa relasyon.

"We always talked about it, 'Okay, parang wala pa sa timing noong time na 'yon. Until eventually we just realized, 'I think we're meant to be friends,'" anang Kapuso actress.

Hinangaan naman ni Mikee si Mikoy sa pagiging bukas nito sa kaniya.

"From the very beginning, 'yung ups and lows, open kami sa lahat. We talk about everything. Importante 'yung honesty, 'yung trust kasi. We're good, we're super good," sabi ni Mikee.

Matatandaang nagkatambal noon sina Mikee at Mikoy sa ilang Kapuso shows, tulad ng drama fantasy series na "Sirkus." --FRJ, GMA News