Isang araw matapos magkasakit si Leon, nahawahan na rin ng karamdaman si Primo, ang panganay na anak nina Iya Villania at Drew Arellano.

"And the kuya’s day 1 has officially started," saad ni Iya sa social media post na makikita ang larawan ni Primo habang natutulog.

"Primo: (entering the covid ward here at home with a big smile on his face) ‘I’m so happy I’m with you again, mama!’” saad pa ng Chika Minute host sa caption.

Sagot daw niya sa anak, "I’m not so happy love, coz that means you’re sick!”

Unang nagpositibo sa COVID-19 ang buntis na si Iya. Kaagad siyang nag-isolate sa kuwarto at umasang hindi mahahawahan ang tatlo nilang anak na si Primo, Leon at Alana.

Pero ilang araw lang, sumama na ang pakiramdam ni Leon, at sumunod na si Primo.

Kahit papaano ay magaling na si Iya kaya natutuwa siya dahil maaalagaan na niya ang mga anak na may sakit.

“Tonight should be interesting. Mamas! Papas! Make sure you have everything ready for the night,” saad ng TV host..

“Meds, medicine cups or syringes, extra clothes (in case of vomit), nebuliser, necessary nebules, wet/cold towel, thermometer, oximeter, water and a lamp! Get ready for battle.”

Samantala, nag-post naman si Drew ng video ng "matibay" na si Alana na inaalalayan niyang magsayaw.

 

 

“Matira matibay. Only Duday left. Let's go, baybeeeeeh!” saad ni Drew sa post sa Instagram.

Kamakailan lang nang ibalita ni Iya na buntis siya sa ika-apat na anak nila ni Drew. – FRJ, GMA News