Itinanggi ni Kris Aquino na nagkabalikan sila ng kaniyang ex-fiancé na si Interior Secretary Mel Sarmiento, at inihayag niya ang mga dahilan kung bakit malabo na itong mangyari.

Sa pagsagot sa tanong ni Lolit Solis sa Instagram post kung nagkabalikan ba sila ni Mel, sinabi ni Kris na, “Hindi kami nag-balikan. I just felt peace.”

“The past no longer felt like something I needed to erase. Iniwan niya ako when I was at my lowest and ginawa niya ‘yon via text,” dagdag pa niya.

Inihayag din ni Kris kung bakit hindi na sila magkakabalikan ni Mel.

“Paano mag-babalikan [makikipagbalikan] sa taong hindi mo na pinagkakatiwalaan at ngayon alam mo nang ‘di ka minahal at ginamit ka lamang?” aniya. “The end. Move on na.”

 

 

Ayon pa kay Kris, naging malinaw sa kaniya ang lahat nang makausap niya si Mel sa FaceTime audio ilang araw lang ang nakararaan.

“Matagal ako tahimik na nagdasal, questioning if for both of us, was it ever really love or was it just grief, timing, and infatuation?” saad niya.

“Basing it on that final conversation, it became clear to me what his true feelings for me had been and how little respect I had left for him,” sabi ni Kris.

Hindi lang umano ang nasaktan kung pati ang kaniyang anak na si Bimby.

Iniwasan din sa ni Mel na kausapin ang kaniyang ate na nais sanang mamagitan sa naging problema nila.

“Mel failed to have the common decency to acknowledge that he hurt Bimb and never once checked on how my son was taking all of this,” paliwanag ni Kris.

“It spoke volumes to me nung nalaman ko from my Ate that she had tried several times to message Mel trying to find a way to communicate with him & hopefully still create a bridge but he actually snubbed my Ate,” ayon pa kay Kris.

Ayon pa sa aktres, gumawa rin umano ng mga kuwento si Mel para palabasin na malapit ito sa kuya niyang si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

“Siguro yung final straw for me was the fact kinaya niyang mag-imbento ng napakaraming kwento bilang ‘patunay’ na close talaga sila ni Noy, eh may parang Alvin si Noy,” aniya.

Dahil lagi umanong una sa kaniya ang kaniyang pamilya, hindi umano nagustuhan ni Kris kung papaano ginamit ni Mel ang pagkamatay ni Noynoy noong June para ipakitang malapit siya sa namayapang pangulo.

“I feel OA yung ginawang panggamit sa nananahimik na patay kaya it was a relationship na yung entire premise, what led to the closeness was my brother Noy - and because of what I had perceived to be their closeness.”

“Background lang: the [two] boys [and] I lived with Noy for the last [five] weeks before the May 2016 elections and Mel was a constant presence kasi maraming tinatapos na LGU issues,” patuloy niya.

Unang bahagi nitong Enero nang ihayag ni Kris ang paghihiwalay nila ni Mel. Naging engaged ang dalawa noong Oktubre 2021.— FRJ, GMA News