Hindi raw marunong tumupad sa pangako ang kaniyang dating nobyo na kumakandidato ngayon kaya raw hindi dapat iboto, ayon kay Kris Aquino.
Ginawa ni Kris ang patutsada sa hindi niya pinangalanang ex-boyfriend nang magdaos ng campaign rally sa kanilang lalawigan sa Tarlac ang presidential candidate na si Vice President Leni Robredo.
Sa aktres na si Angel Locsin ang kasama ni Kris sa entablado nang mabanggit ng una ang tungkol sa relasyon na dapat ay tunay na maasahan bilang tagasuporta sa kandidato.
Dito na nabanggit ni Kris ang tungkol sa isang kandidato na nasa ibang partido.
"Sinabi mo [Angel] ‘yong may karelasyon. 'Di ba ‘yung isa, nasa Uniteam, ‘yung ex?," ayon kay Kris.
"Oh, ‘wag niyo iboto ‘yon ah, sayang ang boto dahil hindi marunong tumupad sa mga pinangako. Dedma please," patuloy niya Kris.
Si Kris ay kapatid ng namayapang si dating Pangulong Benigno Aquino III, na naghikayat kay Robredo na tumakbong bise presidente noong 2016.
Ayon kay Kris, mahalaga ang panalo ni Robredo para hindi na bumalik ang bumalik ang diktaduryang Marcos.
"May respeto siya sa batas, ipaglalaban niya ang demokrasya. Nakikiusap po ako: ‘wag tayong pumayag na mawala itong muli. Ipaglaban po natin ang ating karapatan, na never nang bumalik ang diktadurya," panawagan niya.
—FRJ, GMA News

