Mapapanood na sa isang episode ng high-rating sitcom na "Happy ToGetHer" ang tambalan nina John Lloyd Cruz at  Andrea Torres.

Gagampanan ni Andrea ang karakter ng isang nurse at maghahanap naman si Julian (John Lloyd) ng gagamot sa kaniyang "puso."

Marami ang nasasabik sa naturang episode dahil ang pangalan ni Andrea ang unang lumutang na maaaring itambal kay John Lloyd nang pumayag siyang gumawa ng proyekto sa GMA.

Panoorin ang teaser ng sitcom at silipin ang pagsabak ni Andrea sa comedy.

Mapapanood ang "Happy ToGetHer" sa Sunday Grande sa gabi, bago ang "Kapuso Mo Jessica Soho."--FRJ, GMA News