First time na magdiwang ng kaniyang kaarawan bilang isang "Dabarkads" si Miles Ocampo sa "Eat Bulaga."

Matapos ang kaniyang dance number, binati si Miles  ng iba pang EB host at may dalang cake si Jose Manalo na nanunukso sa aktres kung bakit siya umiiyak.

"Gusto ko pong mag-thank you sa Eat Bulaga. Ngayon lang po ako nakakapag-blow ng cake sa TV," sabi ni Miles.

Pero wala palang birthday candle ang dalang cake ni Jose kaya napa-sayang! na lang si Miles.

"Sobrang saya ko na nakapag-celebrate ako dito [sa Eat Bulaga] ng birthday. Sana hindi ito ang last. Gagalingan ko po sa jokes ko promise," birong sabi ni Miles.

Si Maja Salvador, sinabing sobrang proud siya dahil bahagi na rin ngayon ng Eat Bulaga si Miles.

"Sobrang nakaka-proud kasi alam ko rin yung mga pinagdaaanan nito [si Miles]. Grabe yung passion niya, yung pagmamahal niya sa work niya. Kaya kung nasaan man ngayon si Miles... nandito siya sa EB stage, deserve na deserve niya 'yan," sabi ni Maja.


Nang tanungin tungkol sa kaniyang birthday wish, sinabi ni Miles na hangad niya ang magandang kalusugan ng lahat at genuine happiness.

Natuloy din naman ang first time na pag-blow ni Miles ng birthday cake sa "Eat Bulaga" dahil nilagyan na nila ng kandila ang cake na hawak niya Jose.

Bumanat din ng birthday joke si Miles na ni-request ng mga dabarkads. Havey kaya o waley na naman ang joke ni Miles? Alamin sa video.

--FRJ, GMA News