May kakaibang paraan na ginawa si Rhian Ramos para sagutin ang kaniyang basher na tumawag sa kaniyang 'hayop.'

Sa Instagram, nag-post nitong Linggo si Rhian ng video na todo-ayos siya at na-black dress habang naghuhugas ng kawali.

Kasama sa video ang komento ng isang hater niya na nagsabi sa aktres na, "Lookalike ni petrang kabayo, maghugas ka na lang ng pinggan hayop."

Kaya naman naghugas si Rhian ng kawali na pang-commercial ang appeal.

"Madali akong kausap," simpleng saad niya sa caption.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos)

 

Umani ng positibong komento ang post ni Rhian maging sa mga kapuwa niya celebrity at maging sa iba pang "influencers."

"My eyes are on fire," sabi sa komento ni Miss Universe Philippines Tourism 2022 Michelle Dee.

Saad naman ni Benjamin Alves, "touché."

"Ang lupeeeeeee!," sabi naman ni Max Collins na may fire emoji pa.

—FRJ, GMA News