Nagbigay ng maigsing mensahe ang volleyball star na si Alyssa Valdez sa harap ng mga ulat na hiwalay na sila ng nobyong basketball star na si Kiefer Ravena.

"Please avoid making up stories," saad ni Alyssa sa pag-retweet niya sa pahayag na inilabas ng kaniyang talent agency na VMG Asia.

"Thank you for all the love. [heart emoji]," sabi pa ni Alyssa.

 

 

Una rito, inihayag ng VMG Asia sa inilabas nilang pahayag na, "A lot of speculation has been made. We appreciate the concern but this decision does not involve any party."

"Let us avoid making up stories and spreading false rumors. We hope that everyone can respect Alyssa's decision to keep things private," dagdag niya.

Nagpasalamat din ang VMG Asia sa mga sumusuporta kay Allysa at sinabing ito lang ang gagawin nilang pagtugon sa naturang usapin.

Nagsimulang umugong na hiwalay na ang dalawa  matapos ang Southeast Asian Games. — FRJ, GMA News