Isang mananaya ang nanalo ng P8.9 milyong jackpot prize sa Megalotto 6/45 draw nitong Lunes ng gabi, June 20, 2022. Pero ang higit na mas malaking P232 milyon na premyo sa Grand Lotto 6/55,  mailap pa rin.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na isang mananaya ang nakakuha sa mga lumabas na numero sa Megalotto 6/45 na 17-32-23-14-25-18.

Umabot ang kabuuang papremyo sa P8,910,000.00.

Pero sa kasabay nitong draw na Grand Lotto 6/55, walang mapalad na nakakuha sa lumabas na mga kombinasyon ng numero na 51-02-49-47-46-36.

Tumataginting na  P232,111,463.20 ang inabot na kabuuang papremyo sa naturang draw.

Magkakaroon muli ng draw para sa Grand Lotto 6/55 sa Miyerkules, June 22, 2022.--FRJ, GMA News