Ipinakita ni mommy Charito Ping Pineda sa anak na si Klea Pineda ang pagsuporta sa aktres na naglahad na lesbian siya sa ika-24 na taon nitong kaarawan.

"Happy birthday my first born. Always proud of you, we love you so much!" mensahe ni mommy Charito kay Klea sa Instagram post niya na magkasama sila sa larawan.

"Sana napasaya ka namin sa araw mo!" dagdag pa ni mommy Charito na makasama pang rainbow emoji ang post.

Tumugon naman si Klea sa post ng kaniyang ina.

"Love you mommy!!!" sabi ni Klea na nilagyan niya ng LGBT+ flag emoji.

 

 

Ginawa ni Klea ang rebelasyon sa pagiging miyembro niya ng LGBT community sa bagong episode ng "Updated with Nelson Canlas."

Sa naturang panayam, ikinuwento ni Klea na itinago niya sa pamilya ang pagiging lesbian niya pero "nahuli" siya nang maiwan niya ang kaniyang cellphone. — FRJ, GMA Integrated News